Thursday, March 19, 2009

tekstong prosijural

Iba na ang takbo ng panahon ngayon, kung dati ay maiinip ka sa tagal ng biyahe dahil sa bagal ng sasakyan

Monday, December 15, 2008

uri ng teksto

TEKSTONG INFORMATIV
Isang tekstong nagbibigay ng impormasyon. Objectiv ang tono nito dahil hindi hinahaluan ng personal na opinyon o damdamin ng manunulat. Ngunit sa mga impormasyong inilalahad nito
maaaring makabuo ang mambabasa ng personal na damdamin at opinyon.
Kadalasan, ang tekstong informativ ay binubuo ng mga ideya at mga detalyeng lumilinang
sa mga ideya. Efektiv ang isang tekstong informativ kapag nakatuon ito sa isang pangunahing
ideya na nililinang ng mga pantulong na ideya at ng mga makatotohanang impormasyon.

Pangungusap sa Tekstong Informativ
Dalawang uri ng pangungusap ang bumubuo ng isang tekstong informativ:
1. Pangungusap na nagpapahayag ng kaisipan
2. Pangungusap na nagpapahayag ng mga detalyeng lumilinang sa kaisipan.
Ang pangunahing kaisipan ang pokus ng teksto samantalang ang pantulong na kaisipan ang nagsisilbing pokus ng talata. Ang kaisipan ay maaaring nakasulat o di nakasulat. Kapag hindi ito
nakasulat, mahihinuha lamang ito sa mga detalyeng inilalahad sa teksto. Ang mga detalye ay
binubuo ng mga impormasyon o katotohanan.